word. (Taken with instagram)
My kind of dinner. All-day breakfast. (Taken with instagram)
The ONE you’ve been waiting for.. (Taken with instagram)
Now available as a print on Deviant art.
Spread the word, gaming is a positive element.
Source: suckstobeyourgirl.deviantart.com
Sun, Beach, Sand
Yung huling blog na sinulat ko, excited ako mag punta sa Palawan, at ngayon eto, nakauwi na ako mula duon, at iboblog ko naman ang experiences ko dun.
Sobrang nag-enjoy ako sa aming Palawan trip! Dati kasi akala ko sa palabas ko lang makikita ang makikita ko. Pero makita ito first hand? Ibang klase! Ang galing talaga ni God, ang ganda ng pagkakagawa niya sa mundong ito.
9am ang flight namin papuntang Busuanga, Coron, Palawan. Maaga kami nasa NAIA 3 (na hanggang ngayon hindi ko alam bakit yun pa ang naging domestic airport natin samanatalang yun ang pinakamaganda sa lahat.).

Habang nasa biyahe, nagbasa muna ako ng magasin sa plane at natuwa ako sa isang nabasa ko.

Tungkol ito sa dalawang magkaibigan na iniwan ang kanilang day-jobs para magtravel at makita ang mundo, tapos iblog ang mga ito para makita ng lahat. Gusto ko rin makita ang mundo, Pilipinas muna tapos ibang bansa naman. Frustrated backpacker at travel photographer kasi ako.
Nasa 45 minutes lang ang biyahe, saglit na saglit lang din. Pag baba namin sobrang ganda ng panahon. Ang Takas ng sikat ng araw, at tamang-tama lang ang ulap.
Pagkatapos kunin ang mga checked-in baggage, pinuntahan na namin ang van na susundo samin courtesy of J2 Tours, at ang resort na inistayan namin na Dive Link resort.

eto yung boat ride papunta sa resort (ngayon nalang ulit nakasakay ng bangka kaya todo ngiti ako. hahaha)
Eto naman yung picture ng resort namin.


Ganda diba? Pero wala pa yan sa iba kong nakita.
1st night namin, pahinga lang at pumunta sa bayan para mamili ng mga kung anu-ano, hectic kasi ang schedule sa 2nd day dahil sa tour kaya mabuti na ginawa na namin.
Dun na kami sa restaurant ng resort kumain, at natuwa naman kami dahil masarap ang pagkain nila (compliments to the chef.), seafoods at kung anu-ano pa.

Tuna steak anyone?
Nga pala, sa resort namin 5pm-9am lang ang kuryent dahil nasa isang isla sila at generator lang ang gamit. Lalo ko nafeel mapunta sa isang paradise.
At siyempre, ang hindi ko pwede mamiss sa kahit anong out-of-town trip ay yung sunrise and sunset (lalo na sa mga beach or bundok)


After magpahinga at uminom ng onti (hindi talaga ito mawawala.) Natulog na kami.
Eto naman ang sunrise sa 2nd day


Day 2, tour mode naman, hindi masyado marami pictures ko dito kasi kadalasan submerged kami sa tubig tapos wala pa ako submersible camera (nasa checklist ko na yun.)
Unang activity namin ay snorkling na 1st time ko at sobrang na-enjoy ko. Ibang klase na makita yung buhay na corals at mga marine life na lumalangoy sa may paanan mo. Ibang klase! talaga ibang mundo sa ilalim ng dagat. pangalawang activity namin, sa twin lagoons, na lalangoy ka sa gitna at ilalim ng dalawang bundok para makapunta sa gitna nila na sobrang majestic! Ibang klase, matataas na bato at malinaw na tubig, wala kang maririnig kundi mga huni ng ibon sa taas at lalaki lang ang mata mo sa ganda ng mga makikita. Mga mag aalas dose na nun kaya pagkatapos dun, lunch na. At sa sobrang lupit, beach side ang lunch. At hindi basta bastang beach, isang secluded beach sa isang island. White sand, clear blue waters. At pag lumangoy ka, may makikita ka talagang mga isda at starfish, at kung anu-ano pa. Buti nalang nirent namin ng 1 day yung snorkling gear kaya sulit na sulit namin.

eto si kuya Bong, ang guide namin.


Sana makita niyo yung panoramic shot ko nung beach

Ayan, pwede pala iupload. hahaha


Pagkatapos nito, pahinga at langoy-langoy lang ng konti. Tapos papunta naman sa CYC beach, kahit na hindi na kaganda ang beach nito ngayon (datit daw kasi eto ang pinakamagandang beach sa Coron, kaso daw, ninanakaw daw ang white sand dito para ilagay sa ibang man made white beach. At yun nga medyo naubos na ito ngayon.), may mga mangroves parin dito na pinagkakakitaan ng mga tao, dahil may mga makukuhang mga kuhol na pwedeng ibenta o kainin.

Pagkatapos nito dun naman kami sa Kayangan lake, dito aakyat ka muna ng 150 steps at babaa ulit ng another 150 para marating ang lake. 70% Fresh water kaya hindi na masyado maalat ang tubig. Dito sobrang tahimik dahil religious itong site na ito para sa mga Tagbanua, kaya bawal mag-ingay o sumigaw. And as usual, clear waters, maraming mettle fish, at mga hipon, isa nga dun lumapit sa paa ko at tinangal ang mga kalyo ko sa isang daliri. hahaha Medyo nakakakiliti lang yung pagsipit nila pero okay din. Hahaha
Pagdating ng mga 4pm, bumalik na kami sa resort dahil maggagabi na at wala namang mga ilaw sa mga isla. Pagod na pagod kami pero sobrang sulit ng biyahe. Nagdinner, nagrelax sa pool side, uminom ng onti at natulog. Pagkagising namin, buffet breakfast ba naman ang haharap sayo kaya sobrang nabusog kami! Pagkapahinga, kwentuhan konti at bumawi ulit ng tulog. Pag dating ng mga 1:30pm, umalis na kami at bumalik na sa bayan, then another 30 minutes van ride papuntang airport then bye bye Coron na.

Sobrang na-enjoy ko itong trip na ito at surely babalik ako dito, madami pang isla ng Coron at ng Palawan mismo ang hindi ko pa napupuntahan. Salamat Coron, Palawan.






